Wednesday, October 9, 2013
B-day ni Princess: (October 4, 2013)
hi friends, this day birthday ng alaga ni mama na si Princess Ashley Irog-irog.. Ganda ng name niya noh?.. pero binawi nga lang sa apilyedo..hehe hmm alam niyo napakacute nya nyang bata.. siya ang katuwaan at ngpapasaya ila mama at papang sa bahay.. kaya mahal na mahal nila ung batang yun.. kaya nga kung minsan sinasabi nila na anak nila yun kaso hindi naniniwala ung iba kasi daw kaitim namin, eh ung bata kaputi puti..hehe
hmm alam nyo vah na noong birthday nya sige lang sya iyak doon sakanila, nagawild pa nga.. pero nung dumating kami at nakita nya sila mama at papang, pumunta sya agad sakanila at huminto sa pag.iyak.. nakakatawa nga kasi ang sariling mga magulang ng bata hindi sya mapahinto pero ang naga-alaga sakanya na sila "nanay at tatay" niya ay biglang huminto..
nakakatuwa ung bata na un kasi napakataba nya.. my layers ung legs nya at parang obese na tingan.. at alam nyo vah na sobrang adik un sa tricycle. 1 yr old pa lang un pero marecognize nya ang tunog ng tyricycle namin.. at sasabihin nyang broom! broom!.. at kapag d sya nakasakay ay iiyakak un na parang pinalo.. at ang kanyang sleeping pills o duyan ay ang tricycle namin.. ipapasyal sya nila papang kahit saan para mapatulog lang...
at kapag nakakita sya ng bird sasabihin nyang brrd!.. at kapag tumunog ang cell phone sasabihin nyang "tetet" at ituturo ang cell phone sa amin.. nakakaaliw talaga sya.. at masaya ako kasi meron sya sa bahay.. atleast my kalingawan sila mama at papang habang nasa bahay kasi malalaki naman kami na mga anak nila kaya naghahanap sila ng mga batang malalambing at magpapasaya sakanila..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment